VLOG WATCH: Ivana Alawi pranks her ‘A Family Affair’ leading men (may napikon?!)

Vlog Watch

SA WAKAS ay napapanood na sa primetime ang sexy actress/model/vlogger na si Ivana Alawi via ‘A Family Affair‘. Worth it naman ang paghihintay ng loyal fans ng dalaga dahil hindi lang isa o dalawa kundi apat na lalaki lang naman ang nag-aagawan sa kagandahan ni Cherry Red (karakter ni Ivana).

Alam naman natin lahat kung gaano ka-stressful at kabusy ang teleserye shoots lalo na under strict protocols. Ito ang dahilan kaya nabigla kami na pinagbigyan ng staff ng ‘A Family Affair’ set ang pagsingit ng pranks ni Ivana sa kanyang leading men.

Fist victim ay si Gerald Anderson, na sa pamamagitan ng video na ito ay tila nagets na namin kung bakit marami ang nafa-fall sa aktor. Next in line ay sina Jake Ejercito at Jameson Blake, na halatang pagod na sa kakaulit ng mga eksena. Last but not at least ay si Sam Milby, na childhood crush din pala ni Ivana!

 

Kahit mixed feelings kami sa paandar na prank ni Ivana habang sila ay seryosong nagtatrabaho, tila nakatulong ang video na ito para iparating sa buong mundo na palabas na pala ang kanyang serye! Sin sa apat na boys ang bet ninyo para kay Ivana?

Previous articleKPOP Album Review: I’m Nayeon by Nayeon (Twice)
Next articleAJ Raval, ibinandera ang kanyang flat tummy