VLOG WATCH: Intense Drink or Spill Challenge ni Maja Salvador kay Enchong Dee (may revelations!!!)

Vlog Watch

‘FRIENDS FOR LIFE’ na talaga sina Maja Salvador at Enchong Dee. Mula nang sila ay parehong nasa bakuran ng ABS-CBN ay nag-bloom ang friendship ng dalawa. Hindi man sila naging romantic partners (nanligaw pala si Enchong!), mas naging solid naman ang kanilang pagsasama bilang good friends.

Dahil parehong mahilig mag-vlog, hindi na kataka-taka na si Enchong ang isa sa inimbitahan ni Maja sa El Nido. S’yempre, wala rin itong kawala sa intense na ‘Drink or Spill‘ challenge na may mga nakakalokang katanungan!

Nakapagsend na ba ng dirty text si Maja kay Rambo? Sino ang artistang nasampal ni Maja sa eksena na talagang na-enjoy niya ang pananakit? Sino ang first kiss ni Enchong? Sino ang pinaka-least favorite niya sa mga sisters niya sa ‘Four Sisters and a Wedding’? Sino sa mga onscreen partners nila ang sa tingin nila’y pinaka-gwapo/maganda? Sino ang ‘least’? Lahat ‘yan at mas marami pang intriguing questions ang sinagot ng mag-bestie. Nood na!