VLOG WATCH: Init sa Magdamag Free Day with Yam Concepcion (may suntukan?!)

Vlog Watch

MISS MO NA ba ang sexy drama actress na si Yam Concepcion? Matagal na rin nagwakas ang last teleserye niya na ‘Love Thy Woman’ with Kim Chiu and Xian Lim, kaya naman marami ang nag-iisip – what’s next?

Well, bida na si Yam ngayon sa upcoming drama series ng Kapamilya Network na ‘Init sa Magdamag’. O ‘diba, title pa lang, mainit na?! Idagdag pa na sina JM de Guzman at Gerald Anderson lang naman ang leading men niya sa serye. Ang haba ng hair ni madam!

Lahat ng teleseryeng tine-taping ngayon ay required na mag locked-in taping. May mga rest day o free day rin ang mga artista at staff. Curious ba kayo on what keeps Ms. Yam Concepcion occupied sa ganitong break? S’yempre, makipagbonding with her co-stars by doing some workouts with them. Dito sa video na ito ay makikita natin kung paano nakipag–sparring si Yam with her new leading man JM de Guzman habang si Gerald naman ay nagwoworkout at lumalamon!

Sa dami ng pagkain na featured sa video na ito ay nagutom tuloy kami! How Yummy naman, YAM-my!