VLOG WATCH: How Sandara Park spent her 36th birthday!

Vlog Watch

KAHIT matagal nang wala sa Philippine showbiz ang Pambansang Krung Krung na si Sandara Park o mas kilala na ngayon bilang K-Pop Icon and 2NE1 member na si Dara, hindi ito nawawala sa puso ng mga Pinoy. Hanggang ngayon ay updated pa rin ang mga loyal fans ng international superstar sa kanyang whereabouts abroad.

Noong November 12 ay opisyal na 36 years old na si Sandara. Oo, 36 YEARS OLD! Bampira ka ba ghorl?! Parang ‘di ka tumatanda!

Kahit pa hindi na aktibo ang grupo ni Sandara na 2NE1, busy and booked as ever ang ating beloved queen na kaliwa’t kanan ang mga endorsements, hosting jobs at appearances. Kahit sa mismong birthday niya ay work mode ito. Sa kanyang bagong vlog ay ipinakita ni Sandara ang mga ganap noong kanyang birthday week.

Nar’yan ang pagtulong sa mga nakababatang kapatid niya sa YG Entertainment na TREASURE; pagpunta sa mga cupsleeve events na inorganize ng mga Blackjacks o loyal fans niya for her; pagtanggap ng mga bonggacious gifts and suprises like food trucks and flowers mula sa mga katrabaho at tagahanga at marami pang iba!

Sa vlog na ito ramdam namin na mahal na mahal ng mga Korean fans ang one and only Krung Krung. We miss you Dara and belated happy birthday to you!