VLOG WATCH: How much does wardrobe matter in Miss Universe? Catriona Gray spills the tea!

Vlog Watch

IT’S PAGEANT SEASON! Siguradong marami ang nag-abang sa looks ng mga Miss Universe candidates at may mga pambato tayo sa finals. Now that the winners are revealed (our very own Rabiya Mateo did her best!), timing lang din na naglabas ng interesting vlog ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

Ano nga ba ang impact ng wardrobe sa mga beauty queens na nasa isang kompetisyon? Ito ang ipinaliwanag ni Cat at nagbalik-tanaw rin ito sa mga pinagdaanan niya noong siya’y nakipag-compete sa Thailand kung saan siya kinoronahan. Dahil sa 23 video vlog na ito, lalo namin na-appreciate kung gaano ka-prepared and organized ang beauty queen with the help of her glam squad. Talagang pumunta lang ito ng Bangkok, Thailand para kunin ang kanyang korona!

Kung interesado kayong malaman kung ano ang mga pinagdaanan niya at mga kuwento sa likod ng bawat damit na kanyang inirampa sa entablado, panoorin niyo na ito!