VLOG WATCH: How Kathryn Bernardo’s friends surprised her on her 25th birthday

Vlog Watch

FOR THE SECOND year in a row ay ‘Quarantine Birthday Girl’ ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo. Bago pa ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa NCR plus ay nakaplano na dapat ang 25th birthday celebration ng dalaga.

Katulad ng mga normal na tao na gustong gawing espesyal ang kanilang 25th birthday ay nalungkot ito na hindi matutuloy ang kanyang mga plano. Balak sana nilang magcelebrate sa Baguio for a change of scenery at para makabawi sa hindi nila pagcelebrate ng bongga last year.

VLOG WATCH: How Kathryn Bernardo's friends surprised her on her 25th birthday
Kathryn Bernardo

Well, not celebrating your birthday in the ideal way is not the end of the world! Ito mismo ang pinarealize ng boyfriend niya na si Daniel Padilla. Gumawa ng paraan ang family and friends ni Kathryn at ang kanyang beshywaps na si Ria Atayde ay naghanda ng surprise video kung saan nagcompile ito ng video greetings mula sa mga kaibigan, kapamilya at katrabaho ni Kath – more than 30 minutes long! Isn’t Ria the sweetest?

Hindi man natupad ang dream 2th birthday ni Kath, sure naman kami na she is well loved by the people who matter. Belated Happy Birthday, Kathryn!