VLOG WATCH: How Gabbi Garcia’s VO Recording & Lock-in Taping Preparation

Vlog Watch

MISS MO NA bang mapanood sa isang regular romance-comedy show ang Kapuso beauty na si Gabbi Garcia? May good news kami sa inyo!

Nakatakda na ang pagbabalik ni Gabbi Garcia sa pagpapakilig sa pamamagitan ng mas pinapalakas na GTV (Dating GMA News TV) at ang isa sa mga proyektong pabobonggahin pa lalo ay ang first team-up ng dalaga sa kanyang real-life boyfie na si Khalil Ramos sa upcoming show na ‘Love You Stranger‘. Sounds exciting, ‘diba?

Since requirement na ngayon sa mga TV and movie tapings na naka-lock-in, ipinakita ni Gabbi sa kanyang recent vlog kung ano ang mga hinanda niya para sa mahigit dalawang linggong pamamalagi nila sa isang hotel sa Rosario, Batangas para sa first cycle ng ‘Love You Stranger’. Swerte nina Gabbi at Khalil dahil kapiling nila ang isa’t isa, huh! In fairness, narelax kami nang makita ang kanilang simple yet relaxing hotel location sa probinsya. Sana ol!

Sa vlog na ito ay ipinakita rin ni Gabbi kung paano sila nagrerecord para sa isa pa niyang lifestyle show na IRL. Mukhang mas haggard, pero kering-keri pa rin ng ating bida!