VLOG WATCH: How Carla Abellana prepares for Lock-In Taping (Love of My Life)

ADVERTISING
Vlog Watch

KATULAD ng ilang Kapuso shows na nagbalik na sa pagresume ng kanilang taping para sa mga ongoing teleseryes na natigil dahil sa Enhanced Community Quarantine o ECQ, back to work na rin ang mga cast members, staff and crew ng ‘Love of My Life‘ na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Mikael Daez at Carla Abellana.

Dahil more than half a month na rin na-stuck sa bahay at hindi sumabak sa pagtaping ng regular para sa isang programa, it will take time, effort and some preparation para maging back on track ang mga paborito nating artista. Hindi na naiiba d’yan si Carla Abellana.

ADVERTISING

Sa kanyang YouTube channel ay nagbahagi ito ng two-part video kung saan ipinakita niya kung ano ang mga preparasyon na kanyang ginawa bago sumabak sa lock-in taping kung saan halos isang buwan din mananatili sa hotel at taping location ang lahat ng involved sa isang show. Yes, walang uwian ito! Hindi rin puwede bumisita sa salons, facial centers at kung saan-saan para magpabeauty o maglamyerda.

 

ADVERTISING

Sa video na ito ay makikita natin kung paano nagfocus si Carla sa paghanda ng mga wardrobe ng kanyang karakter sa serye na si Adele, swab test, pagpapa-facial, home treatment for the hair (na pati ako ay naenganyo magbili ng intensive hair mask!), workout at s’yempre, ang walang kamatayang skin care routine na laging nirerequest ng kanyang fans!

 

Kasalukuyang nasa lock-in taping pa rin lahat ng cast and crew ng ‘Love of my Life’ at soon ay mapapanood na rin natin ang fresh episodes nito na sure kami ay kasing-fresh ng beautiful face ni Carla!

ADVERTISING