VLOG WATCH: How Carla Abellana prepares for her new show (To Have and To Hold)

Vlog Watch

PARANG kailan lang nang ipalabas ang huling episode ng GMA Primetime series na ‘Love of my Life’ na pinagbidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, Tom Rodriguez at Ms. Coney Reyes. Marami ang nainlab at naiyak sa pagtatapos ng teleseryeng ito dahil isa ito sa mga programang naapektuhan nang unang in-implement sa Metro Manila ang ECQ noong nakaraang taon.

Noong Marso ay kinumpirma na nina Carla at Tom Rodriguez na sila ay engaged na since late last year at nakatakda na silang ikasal sa darating na Oktubre.

Kung inaakala ninyo na marriage will stop Tom and Carla from working, well… you’re wrong!

Magbibida sa magkaibang proyekto ang magkasintahan. Si Tom Rodriguez ay makakasama nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa ‘The World Between Us‘ habang si Carla naman ay muling bibida sa ‘To have and To Hold’ with Max Collins and a mystery leading man. Originally ay si Derek Ramsay ang makakasama nila, pero umatras na raw ito sa proyekto.

 

While we wait for the final details about this new, exciting project, silipin natin kung paano maghanda ang isang Ms. Carla Abellana. Kung mapapansin ninyo sa past vlogs nito for Love of my Life, very organized at inaaral talaga ni Carla ang mga scripts niya para mas mapadali ang kanyang pagtrabaho. One month ito mananatili sa lock-in taping at mukhang okay rin na ngayon sila kumayod ni Tom para soon ay makakapagrelax na rin sila at makapagconcentrate sa kanilang highly anticipated wedding.