VLOG WATCH: How Brillante Mendoza films according to Janelle Tee

Vlog Watch

UMAARANGKADA ang karera ng 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee simula nang magdesisyon itong magpaseksi sa pelikula. Tila worth it naman ang kanyang ‘sugal’ dahil halos every month ay may bago itong pelikula sa Vivamax.

Isa sa mga pelikulang pinagbidahan ni Janelle recently ay ang sexy action movie na ‘Pusoy‘, kung saan nakatambal niya ang award-winning actors na sina Baron Geisler at Vince Rillon. Hindi rin siya nagpatalo pagdating sa hubaran with the equally sexy Angeli Khang. Kahit na super busy ni Janelle sa set ay nakapag-record pa ito ng clips para ipasilip sa mga viewers niya kung paano nga ba mag-shoot ng pelikula si Brillante Mendoza.

Alam niyo ba na walang script ang mga pelikula ni Brillante Mendoza? Bibigyan ka lamang niya ng sitwasyon at bahala na ang artista na mag-improvise habang nasa set.

If you wanna know more, watch Janelle Tee’s recent vlog! Mukhang busy din ang sexy star ngayon sa kanyang upcoming mini-series na ‘Katawang Lupa’ with Jose Javier Reyes. Arriba pa more!

Previous articleElla Cruz, sinagot ang ‘history is chismis’ controversy; may mensahe kina Pokwang at Agot Isidro
Next articleSM Foundation holds medical mission for PMPC & allied entertainment press on July 29, 2022