VLOG WATCH: How Bea Alonzo Lost Weight in 30 Days

Vlog Watch

KATULAD ng mga normal na tao na napilitang manatili sa kanilang mga bahay nang magkaroon ng global pandemic dahil sa covid-19, madalas din na nasa bahay lang si Bea Alonzo. Sa pagiging cautious nito ay hindi na rin tinuloy ang teleseryeng dapat sana’y pagbibidahan niya kasama si Richard Gutierrez sa Kapamilya network.

Maliban sa pagiging aktibo sa kanyang YouTube channel kung saan ipinapasilip niya sa kanyang mga tagahanga ang totoong Bea Alonzo, naging vocal din ito sap ag-amin na katulad ng maraming tao ay napasobra rin ang kanyang kain habang naka-quarantine. Tinamad din itong mag-workout at hindi na ginawang priority ang pagbantay sa kanyang timbang.

All these changed nang mapansin na niya ang big changes nang suotin niya ang mga nalakihang damit. Para makapag-balik-alindog program ay humingi ito ng tulong sa isang nutritionist, isang trainer para bantayan ang kanyang workouts at pagtulog ng at least 8 hours (night owl kasi si Bea).

Curious ka na ba on how she lose weight? Hindi na natin kailangan mag-hire ng nutritionist o trainer dahil ito mismo ang ipinakita ng aktres sa kanyang latest vlog! Maki-fitness goals na tayo, mga bhie!