VLOG WATCH: Heart Evangelista’s Massive Shoe Collection!

Vlog Watch

CERTIFIED Fashionista talaga si Heart Evangelista. Kung noon ay nagpasilip na ito ng kanyang closet at bag collection, this time ay ang kanyang massive Shoe Collection naman ang ipinakita niya sa kanyang mga loving followers.

Dito ay ikuwinento ni Heart kung saan nagsimula ang kanyang pagkahilig sa sapatos. Katulad ng mga ordinaryong batang babae, sinubukan din ng Little Hearty na isuot ang mga high-heeled shoes ng kanyang ina na naging sanhi pa ng isang aksidente na hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin ang marka sa kanyang mukha. Ouch!

Kung ikaw ay isang shoe collector or may pagka-‘imeldific’ ka rin, you will find this more than 30 minutes video interesting! Ang maganda rito, there’s a mix of branded and low-key footwear at may mga tips and tricks din na shinare si Heart. The best part is her storytelling on what makes certain pieces special.

Kung sabik ka nang mapanood muli sa primetime TV si Heart, konting tiis na lang dahil nalalapit na rin ang paglabas ng ‘I Left My Heart in Sorsogon’.