VLOG WATCH: Glaiza de Castro shares her UK travel experience (habang naka-quarantine!)

Vlog Watch

GLAIZA DE CASTRO is back in the Philippines! Pagkatapos ng mahigit isang buwang pananatili sa Northern Ireland, UK para makasama ang kanyang boyfriend turned fiance (nag-propose ang binata sa kanya noong Christmas), nasa Pilipinas na ulit ang aktres para ituloy ang kanyang responsibilidad bilang isang in-demand actress ng Kapuso network.

Siguradong marami sa inyo ang curious kung paano ang international travel under ‘the new normal’. Kung bago magkaroon ng pandemya ay challenging na ang pagbyahe with long haul flights, mas madami ngayong dapat pagdaanan at pagkagastusan ang mga lalabas at babalik ng Pilipinas.

Nasa isang hotel sa Maynila si Glaiza nang i-upload niya ang kanyang latest vlog tungkol sa new changes sa pagbabyahe. Ito ay naka-quarantine kaya naman puro virtual promotions ang ginagawa nito para sa kanyang bagong pelikulang ‘Midnight in a Perfect World‘.

Ilang swab tests ang kailangan niyang pagdaanan para lang makabalik sa Pilipinas? Alamin sa newest vlog ng Kapuso actress na malapit-lapit na rin natin muling mapapanood sa GMA-7 with her new teleserye kasama si Mike Tan.