VLOG WATCH: A Day in Gerald Anderson’s Life as a Philippine Coast Guard (with lovey Julia B!)

Vlog Watch

KAHIT NA binabatikos pa rin hanggang ngayon ang Init sa Magdamag star na si Gerald Anderson dahil sa mga latest comments niya about asking forgiveness from his ex-girlfriend, tuloy pa rin ang buhay ng ating bida.

Maliban sa pagiging artista at resort owner sa Zambales ay aktibo rin ito sa kanyang katungkulan bilang Lieutenant Commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Kasama ang kanyang equally controversial girlfriend na si Julia Barretto, pumunta sila sa groundbreaking ng isang K9 Facility sa Clark, Pampanga, kung saan iti-train ang mga aso na makadetect ng Covid-19. Makakatulong ang mga ito lalo na ngayong puspusan pa rin ang efforts ng gobyerno at mamamayan sa pagpapatigil sana ng paglaganap ng nakakamatay na sakit.

 

Sa pagdalo nina Gerald at Julia ay makakapag-raise din ito ng awareness sa mga tao. Tara na’t silipin na natin ang lovebirds na may pa-kanta pa ng ‘You’re Still The One’ ni Shania Twain. Ayiiii. Kilig yern?!