VLOG WATCH: Fridge Tour with Cleaning and Organizing Tips ni Yasmien Kurdi!

Vlog Watch

ISANG wais na misis ang Kapuso drama actress na si Yasmien Kurdi. Kitang-kita naman sa kanyang family-oriented vlog kung gaano ito ka-hands on sa pag-aalaga sa kanyang unica hija at s’yempre, hindi rin niya nakakalimutang alagaan at pasayahin ang kanyang mister na piloto, noh!

Habang hindi pa nagbabalik sa paggawa ng regular teleserye si Yasmien, ang paggawa ng mga home-related vlogs ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon. From cooking to preparing for noche buena to celebrating her birthday and now down to cleaning and organizing tips! Bonggang-bongga si Mumshie Yasmien, ‘diba?

Aliw kami sa latest vlog niya na Fridge o Ref Tour. Dito ay ipinakita niya ang normal na hitsura ng kanyang ref. Tulad ng mga normal na tao, hindi exempted si Yas sa paglimot ng paglilinis ng kanyang ref araw-araw. Effort naman kasi ‘yun! Ha-ha-ha! Narito ang ilan sa mga tips ni Yas na in fairness, naenganyo kami na maglinis at mag-organize ng ref namin dito sa bahay! Madali lang linisin ‘yung amin kasi wala masyadong laman! Hek-hek-hek!

Sa totoo lang, mas gusto namin makapanood ng ganitong klaseng vlogs dahil maeenganyo ka rin naman talagang mag-ayos kung may ‘kasabay’ ka. Keep it up, mumshie yas!