VLOG WATCH: Former Kapamilya childstars Eliza Pineda and Kristel Fulgar reenact Maria Flordeluna fight scene (after 15 years!)

Vlog Watch

ISA KA BA ba mga certified Kapamilyas na laging pinapanood ang kanilang mga teleserye? Fifteen years ago, minahal at inabangan ng mga viewers ang remake ng Maria Flordeluna, na pinagbibidahan ni Eliza Pineda na gumanap bilang Flor, at si Kristel Fulgar naman si Wilma, ang kanyang bitter na rival.

Kahit na onscreen rivals sila sa programa, hindi maikakaila na friends in real life sina Eliza at Kristel, na parehong hindi na masyadong aktibo sa showbiz. Sa kanilang reunion ay naisipan nilang gayahin ang kanilang iconic fight scene at inaral para magaya nila ito ng maayos.

S’yempre, happy ang fans ng dalawang former childstars na naging parte ng ating teleserye viewing habit noong 2007. Nakakatuwa na mapanood sila after fifteen years! Hudyat kaya ito ng isang bonggang comeback? ‘Yan ang ating abangan!

Previous articleThings You Didn’t Know About Jung So-Min
Next articleOgie Diaz may pay okay Dennis Padilla: ‘Ikaw na lang malag-adjust sa mga anak mo kung mahal mo talaga sila’