VLOG WATCH: First Lock-In Taping Experience ni Angelika dela Cruz for Little Princess

BALIK sa paggawa ng teleserye ang isa sa mga pioneers ng GMA Telebabad na si Angelika dela Cruz. This time, she is playing a good mother role sa bagong afternoon series ng Kapuso Network na ‘Little Princess‘ kung saan siya ang beloved nanay ni Princess (played by Jo Berry).

Kahit na parte si Angelika ng sitcom na ‘Daddy’s Gurl’, ito naman ang kauna-unahang lock-in taping experience ng talented actress. Kahit na may pagka-drama ang tema ng kanyang bagong palabas, kapansin-pansin naman sa vlog ni Angelika na kasundo niya ang mga cast and crew at madalas silang magkulitan in between takes.

Ang highlight ng video nito ay ang pagsorpresa sa kanya sa mismong kaarawan nya (October 29) kung saan ang kukunang eksena rin ay isang surprise birthday party para sa kanya! Ang bongga, ‘diba?

Panoorin ang bagong vlog ni Kapitana Angelika at subaybayan ninyo tuwing hapon ang ‘Little Princess’ sa GMA!

Previous articleLolo Delfin ng ‘Ang Probinsyano’ inindorso si VP Leni Robredo
Next article‘Quizon CT’ nina Eric, Epi at Vandolph sa Net 25 tribute kay Comedy King Dolphy