VLOG WATCH: Extreme Home Declutter and Cleaning Vlog with Mommy Andi Eigenmann

ADVERTISING
Vlog Watch

MAKALAT ba ang bahay mo? Gusto mo bang ayusin ang clutter sa iyong bahay o ibang parte ng iyong tahanan pero ikaw ay nao-overwhelm kaya ang ending ay nganga ka na lang? Baka kailangan mo ng inspirasyon at ang isa sa mga paraan para ma-overcome ito ay ang panonood ng decluttering and cleaning vlogs ng ibang tao.

As a mom of two and pregnant, challenge para kay Mommy Andi Eigenmann ang cleanliness ng kanyang bahay habang nasa Maynila na wala ang kanyang partner na si Philmar na stuck sa Siargao. Dahil nasa bahay din lang naman at siguro’y ilang Linggo o buwan na rin niya pinagliliban ang paglilinis plus nakakuha na rin ng inspirasyon sa ibang home organization vlogs, Mother Dearest have it a go!

ADVERTISING

Sakto ito para sa mga tao na kailangan mag-ayos ng banyo, kusina, sala at s’yempre, kuwarto. Idagdag pa na may dalawang tsikitings at alam natin na madalas ay nakakalat ang kanilang mga laruan at gamit. What to do?

Watch Mommy Andi and wow, nakakabilib naman talaga ang pagiging independent niya! She’s doing everything on her own. Kung kami ang tatanungin six years ago, hindi namin iisipin na kaya ni Andi na maging ‘simple’ lalo na’t laki ito sa yaman.

ADVERTISING
ADVERTISING