VLOG WATCH: Ethel Booba nakipag-inuman kay Daisy Reyes a.k.a. Madam Inutzz (OH DIBAH?!)

Vlog Watch

HIT NA HIT ngayon sa mga netizens ang online seller na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutzz. Kinagigiliwan ito ngayong lockdown dahil kakaiba ang kanyang diskarte sa pagbebenta ng damit. Thousands ang viewers ng kanyang live selling, pero ni isa ay walang nagmi-mine (o bumibili). Lahat na lang ay tumatambay at nagpapa-shoutout. Kahit mahilig ito magmura bilang joke sa mga ‘inutil’ na hindi man lang bumibili ng kanyang paninda, dumarami naman ang nagbibigay ng donasyon sa kanya (OH DIBAH?!).

Sa sobrang hit nito sa netizens ay marami-rami na ang nag-reach out sa kanya. Isa na r’yan si Ethel Booba, na kapansin-pansin na may pagkakahawig sa kanya!

Hindi lang basta zoom meeting ang ginawa ni Ethel: Talagang sinugod niya ito sa tinitirahan ni Daisy sa Cavite na may dalang isang case ng redhorse para makipag-inuman! Idagdag pa nakasama si Donita Nose, ang asawa at kapatid, talagang kinilala nila si Daisy. Maging ang ina nito ay natuwa sa kanilang bisita.

 

Nakakaaliw ang inuman ng INUTHEL (Inutil + Ethel HAHAHA). Kahit na may liquor ban ngayon dito sa Maynila, parang nasatisfy na rin ang aming alak cravings dahil kitang-kita namin na they’re having a good time. Pa-shot din kami nyan!

Bongga pa dahil maliban sa pagiging magaling na online seller at komedyante, talented singer rin pala si Madam Inutzz! ‘Yan at marami pang iba sa latest vlog ni Ethel Booba! OH DIBAH?!?!