VLOG WATCH: Erich Gonzales react to old photos!

Vlog Watch

HINDI natin maikakaila na si Erich Gonzales ang isa sa biggest stars ang Kapamilya network. From a Davaoena lass na nangarap maging artista at nanalo sa Star Circle Quest 2 to becoming a teen actress to becoming one of the most reliable teleserye leading lady ay talagang malayo na nga ang narating ng dalaga. Nagtutuloy-tuloy pa ito!

Ngayon ay umaariba ang La Vida Lena sa telebisyon. With that being said, masayang balikan ang humble beginnings ng ni Erich from a showbiz hopeful to a competent actress. Nakakaaliw na marami-rami na rin pinagbidahang teleserye si Erich, and what a variety of roles, ha? Versatility at its best!

 

Maganda rin na binalikan ng dalaga ang kanyang past movies. May mga kuwento rin ito tungkol sa kanyang leading men like Mario Maurer (na wala raw ‘mean bone’ sa katawan), Ejay Falcon (na nakaaway niya noon sa Katorse) at s’yempre si Enchong Dee. Kapansin-pansin na may ex-partner siya na iniskip! He-he-he!

Kung fan ka ni Erich, tara na’t magbalik-tanaw sa mga showbiz memories niya!