VLOG WATCH: Erich Gonzales at Enchong Dee reacts to their past kissing scenes (laplapan galore!)

Vlog Watch

MASASABI natin na ang tambalan nina Erich Gonzales at Enchong Dee ang isa sa pinaka-stable sa showbiz. Mahigit isang dekada na silang magkakilala’t nagkakatrabaho sa iba’t ibang TV and movie projects. Ngayon nga ay sila na rin ang producers ng kanilang sariling EnRich Originals series sa YouTube na ‘You. Me. Maybe’ na inabangan ng kanilang loyal fans here and abroad. Successful ang Season 1 nito kaya naman niluluto na ng dalawa ang Season 2! Hurray!

Kahit na hindi sila naging magdyowa ever, hindi maikakaila na iba ang kilig na dala ng tambalang ENRICH. Maliban sa kanilang comedy and drama prowess, wala rin silang kiyeme sa mga romantic scenes. Kung ano ang hingiin ng direktor na tipo ng halik, ‘yun mismo ang binibigay nila sa kanilang mga projects!

 

Want proof of ENRICH’s Kissing Versatility? Panoorin ang mismong reaction video nina Erich at Enchong kung saan pinanood nila ng magkasama ang ilan sa mga tukaan na kanilang ginawa sa kanilang past projects. Mula Katorse to I Do to Paano Ko Sasabihin to The Blood Sisters, talagang todo na talaga ang pagbibigay kilig ng dalawa! Nood na at sabay-sabay natin alalahanin ang mga romantic kissing scenes ng EnRich! Panoorin niyo na rin ang You. Me. Maybe ng dalawa na libre lang na mapapanood sa YouTube!