VLOG WATCH: Enrique Gil, ginaya si Kim Taehyung (V ng BTS) para sa ‘Dynamite’ dance cover!

ADVERTISING
Vlog Watch

HANGGANG ngayon ay napakaraming tao pa rin ang napapakanta ng ‘shining through the city with a little funk and soul’ at napapasayaw with matching choreography dahil sa Billboard Hot 100 #1 single na ‘Dynamite‘ ng pinakasikat na grupo ngayong quarantine period sa buong mundo – BTS!

Certified BTS Army (tawag sa fandom ng BTS) ang kapatid ni Enrique Gil na si Andie. Pati nga ang girlfriend niya na si Liza Soberano ay super duper big fan ng grupo. Mahal na mahal ni Liza si Jungkook at V habang ang kapatid naman niya na si Andie ay bias si Jin.

ADVERTISING

Kung fan kayo ni Enrique, alam niyo na once upon a time ay naging ‘King of the Gil’ din ito ng dance floor (bago pa niya naging ka-loveteam si Liza). May mga pinasikat din itong dance crazes na pinakatumatak sa amin ay ang ‘Teach Me How to Dougie’ at ahem… OHA “Kaya Mo Ba To”?!

Para sa kasiyahan ng kapatid at ng dyowa, pumayag si Enrique na mag-undergo ng ‘transformation’. From Quen to Kim Taehyung o BTS V. Kaya mo ba to?!

ADVERTISING

Well, kinaya niya ito! Maliban sa pagtransform to Kim Taehyung o V, ginaya rin nito ang dance choreography ni V sa music video mismo ng ‘Dynamite’! Pasado ba? OHA OHA KAYA MO BA TO?! Light it up like Dynamite! Oha Oha!

ADVERTISING