VLOG WATCH: Enchong Dee’s lock-in taping Tiny Villa sa set ng ‘Huwag Kang Mangamba’ (may pa-life hacks, chong!)

Vlog Watch

NAKATAKDA NA ang pagbabalik-teleserye ng Chinito actor/athlete na si Enchong Dee sa paggawa ng teleserye. Kasama ito sa upcoming drama series na ‘Huwag Kang Mangamba’ kung saan bida ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedellin at Kyle Echarri.

Kahit na matagal-tagal na rin hindi napapanood sa isang teleserye si Enchong, aktibo naman ito sa paggawa ng pelikula (napanood niyo na ba ang shocking scenes niya sa ‘Alter Me’ ng Netflix?), pagbida sa online series na silang dalawa ng onscreen partner na si Erich Gonzales ang bida/producer at s’yempre, kinakarir na rin nito ang kanyang pagiging ‘friendly budgetarian’ sa pamamagitan ng pagpost regularly sa kanyang YouTube channel.

Required na ang lahat ng cast and crew ng mga TV series/sitcoms na manatili sa iisang lugar para sa locked-in taping. Suwerte si Enchong dahil mala-Paraiso ang tiny villa na tinutuluyan niya. Para ngang bakasyon ang ipinunta niya, eh! He-he-he!

Sa pa-room tour ni binata ay makikita natin kung gaano ito kasinop at praktikal sa kanyang mga gamit. Kung gusto ninyo malaman kung ano usually ang kanyang locked-in taping routine, recommended books to read at iba-iang life hacks para makatipid, panoorin na ang relaxing video na ito!