VLOG WATCH: Enchong Dee’s Lock-In Taping Morning Routine sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Vlog Watch

NALALAPIT NA ang pagtatapos ng primetime series na ‘Huwag Kang Mangamba‘. Isa sa mga artistang inaabangan sa programa ay ang hunk actor na si Enchong Dee na thankfully ay napakasipag magpost ng kanyang lock-in taping vlogs.

Kung in the past ay binigyan na niya tayo ng room tour at random behind-the-scenes bonding time with his cast mates, now he gives us a glimpse of his usual morning routine ngayon na nasa ibang lock-in resort na sila.

Sa mga ganitong klaseng set-up sa pagtatrabaho, nakakatulong din na may mga routine ka nang ginagawa every morning. It will help you stay focused sa iyong fitness, work and mental health goals.

Nakakainggit ang napakagandang view ni Enchong at ng cast ng ‘Huwag Kang Mangamba’ dahil kitang-kita nila ang Taal Volcano at Lake.  Punong-puno pa ito ng greeneries!

Kung gusto niyo ng chill lang na morning routine video that can help inspire you to have one, watch niyo na ‘to!