VLOG WATCH: Diamond Star Maricel Soriano is a Proud Regal Baby!

Vlog Watch

BIG FAN ka ba ng nag-iisang Diamond Star ng Philippine showbiz na si Maricel Soriano? Miss mo na ba siya? Kung oo ang iyong sagot, may good news kami sa inyo!

Si Marya ang latest Pinoy celebrity na nag-give in na at nagbukas ng sariling vlog channel para sa kanyang loyal fans and followers. Kahit na aminadong hindi masyadong techie si Marya, umi-effort ito at ang kanyang team para mapagbigyan ang kahilingan ng kanyang mga tagahanga lalo na ang mga millennials at Gen Z na nagdedemand ng fresh contents from her, huh!

Sa episode 3 ng kanyang channel ay binalikan ni Marya ang kanyang early days sa showbiz. Simula sa pagpasok niya sa John ‘En Marsha at pagkakaroon ng second daddy sa katauhan ni Dolphy ay naging isa sa unang Regal Baby ni Mother Lily.

Interesado ba kayong malaman ang istorya sa likod ng Underage? Alam niyo ba na si Marya pala dapat ang unang magsusuot ng Magic Kamison? Ano ang juicy details about the Inday series? What about the Marya-William loveteam?

‘Yan at marami pang iba sa newest vlog ni Maricel Soriano! Dahil proud Regal Baby si Marya up to this day, ibig bang sabihin nito ay open ito na lumabas muli sa ongoing Regal Studio Presents sa GMA? We’re hoping!