VLOG WATCH: Derek Ramsay and Ellen Adarna’s Domestic Life Without a Yaya!

Vlog Watch

NALALAPIT NA ang kasal ng controversial couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Kahit wala pang announced date ang kanilang pagpapakasal, most likely ay this year ito matutuloy.

Parehong hindi aktibo sa kani-kanilang showbiz career ang magdyowa. Sa ngayon ay hands on parents sila kay Baby Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) at kitang-kita sa kanilang latest vlog kung paano sila magbonding bilang isang pamilya sa gitna ng pandemya. Sigurado kami na maraming mapapa-sana all dahil talagang magkasundo sina Derek at Elias. Comfortable ito with his Tito Derek at nakuha nito ang carefree personality ng ina.

Curious ka ba on how Derek and Andrea are doing at home? Tara, maki-usyoso na!