VLOG WATCH: Day Off + Zumba Time with Las Hermanas sisters Yasmien Kurdi, Thea Tolentino and Faith Da Silva!

Vlog Watch

NAPAPANSIN niyo ba na mabilis na ang pacing ng mga Kapuso shows na inumpisahan habang may pandemya? Isa sa mga programang inaabangan namin ngayon ay ang ‘Las Hermanas’ na pagbibidahan nina Thea Tolentino, Faith Da Silva and of course, the one and only Yasmien Kurdi!

Perstaym magsasama-sama ang tatlong magagandang Kapuso homegrown artists na mula sa iba’t ibang henerasyon ng reality-based artista search shows ng GMA. Ang isa pang dahilan kung bakit espesyal ang proyektong ito ay ang pagbabalik-Kapuso rin ng veteran leading man na si Albert Martinez!

 

Kung noong Mayo ay nagdrama si Yasmien dahil mawawalay siya sa kanyang pamilya dahil sa requirements ng lock-in taping sa Clark, ngayon ay naka-adjust na ang afternoon drama princess dahil masaya ang kanyang aura sa kanilang day off na nakipag-zumba pa siya sa kanyang new TV sisters! Kailangan niyo ba ng pampagna sa pagzuzumba? Makisabay na sa Las Hermanas sissies!