VLOG WATCH: Daniel Padilla answers Kathryn Bernardo’s tough questions (attention seeker nga ba?!)

Vlog Watch

NAGBIGAY ng kilig sa fans and supporters sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong Valentine’s Day sa pamamagitan ng pag-upload ng isang special video sa Everyday Kath, ang YouTube channel ng aktres.

Alam natin lahat na very private person si DJ (Daniel) kaya naman marami ang naaliw na sa wakas ay pumayag ito sa isang sit down Question and Answer portion with Kath. Kahit na walong taon nang magkarelasyon ang dalawa ay may mga katanungan pa rin ang dalaga sa kanyang boyfriend na never niya naitanong. This time ay pinagbigyan siya ng binata kaya naman todo kilig ang mga KathNiel fans!

Totoo ba na attention seeker si DJ? Ano ang mga pinagseselosan niya? Kung hindi naging sila ni Kath, ano kaya ang hahanapin ni DJ sa isang babae? Saan ang dream travel destination nila? Pasaway nga ba talaga si Kathryn? All that and more kilig on this video!