VLOG WATCH: Cooking Salted Egg Shrimp Pasta with Angeline Quinto and Enchong Dee!

Vlog Watch

NAAALALA NIYO ba sina Princess at Reb Reb ng ‘Four Sisters and a Wedding’? Namimiss niyo ba ang mga Bayags?

Nagbabalik ang tambalan nina Angeline Quinto at Enchong Dee. This time ay sa kusina naman nagsama ang dalawang makulit. Alam ng fans ni Angeline na mahilig ito magluto. On the other hand, si Enchong ay maituturing na newbie sa pagluluto.

Kahit na sabik sa Kaldereta si Enchong, mas pinili ni Angeline na turuan ang kanyang ex-onscreen partner na magluto ng Salted Egg Shrimp Pasta na paborito nilang dalawa. Maliban sa pagluluto, may katatawanan at halong diva-ish voice pa na sangkap! Saan ka pa, ‘diba?!

Kung naghahanap ka ng abot-kayang pasta dish na puwedeng pangmaramihan, subukan ninyo ang bonggang pasta dish ng mga Bayags! Pak!

Sa mga hindi nakakaalam, napapanood niyo na muli sa primetime sina Angeline at Enchong sa bagong serye na ‘Huwag Kang Mangamba’ na mag-uumpisa sa March 22 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, IWantTFC, at iFlix pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.