VLOG WATCH: Christmas Tree Decorating Time with Kim Chiu!

Vlog Watch

CAN YOU FEEL the Christmas spirit? Hindi man masyadong maganda ang 2020 para sa nakararami sa atin dahil sa challenges na napagdaanan ng buong mundo dahil sa Covid-19 pandemic, humahanap pa rin ng paraan ang mga Pinoy na sumaya ang kanilang pasko sa pamamagitan ng pagdisplay ng mga Christmas decors.

S’yempre, hindi papahuli ang paborito natin na si Kim Chiu! Kilala naman na magarbo si Kim pagdating sa pagshare ng kanyang blessings. Sa kanyang bagong vlog ay nag-setup ito ng kanyang 5-year old Christmas Tree at mga past decors na nakolekta through the years.

Tradisyon na ng Pamilya Chiu ang pagdedecorate ng kanilang Christmas Tree at sabay-sabay nila itong pinaiilawan. Bongga! Surely, happy ang mmga bagets sa family dahil napakalaki at napakagara ng Christmas Tree na sinetup ng kanilang Tita Kim!

Maliban sa bonggang Christmas Tree, may pa-Christmas giveaway din si Kim Chiu! Manalo ng Cherry Mobile Tablets, Garnier Products at Chowking GC’s worth Php 1,000! Gora na sa vlog ni Kim at itodo na ang pagcocomment!