VLOG WATCH: Chinese New Year 2021 Preparations ni Kim Chiu (Do’s and Don’ts sa Year of the OX)

Vlog Watch

SA DARATING na Biyernes, February 12 ay ipagdiriwang na ang Chinese New Year. Halos lahat ng taong may Chinese blood all over the world ay nagce-celebrate nito at s’yempre, isa na sa mga excited para ipagdiwang ito ay ang Chinita Princess ng Pilipinas na si Kim Chiu.

Ang 2021 ay Year of the Ox. Ano nga ba ang mga pampasuwerte sa taong ito? Ano ang lucky colors? Aling Chinese zodiac ang mamamayagpag at alin naman ang manganapa? Challenging ang Year of the Rat noong 2020 kaya naman siguradong Chinese man o hindi, ay maghahanap ng mga pampasuwerte para makabawi man lang this year.

Sa latest vlog ni Kim Chiu ay ipinasilip niya ang ilan sa mga tradisyon na ginagawa niya with her family including a consultancy session with a Feng Shui expert. Ready na ba kayo magpapasok ng suwerte ngayong 2021? Alamin kung ano ang bawal at hindi bawal para sa 2021! Nood na now na dahil ang sigurado d’yan ay bawal lumabas-labas! Hek-hek-hek!