VLOG WATCH: Chikahan with Empoy Marquez and Alessandra de Rossi (nakakamiss ang Alempoy!)

Vlog Watch

SA TAGAL sa showbiz nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi, noong 2017 lang sila naging ‘mainstream box-office stars’. Thanks to the surprising success of Kita Kita (na hanggang ngayon ay may hawak ng record na pinaka-kumiting indie film), mas nakilala na ngayon sina Empoy at Alex. Nagkaroon pa nga sila ng romcom with ABS-CBN na ‘Since I Found You‘ kung saan natalbugan nila ang tambalan nina Piolo Pascual at Arci Munoz (sa true lang!).

Reunited ang magka-loveteam sa bagong vlog channel ni Empoy. Dahil malakas siya kay Alex, pumayag ito na mag-guest sa vlog kahit pa alam sa showbiz na medyo mailap ang aktres. Kung noon ay akala natin ay simpleng suplada lang talaga siya, sa video na ito ay malalaman natin na nagkaka-anxiety pala ito kapag maraming tao at likas na introvert.

 

Soon ay magbabalik-tambalan sa big screen ang dalawa in a movie under the direction of Sigrid Andrea Bernardo (na direktor din ng Kita Kita). Habang waiting pa tayo sa reunion ng Alempoy at mas kilalanin muna natin sila sa kuwelang catch up vlog na ito!