VLOG WATCH: Charlie Dizon lets her followers control her day!

Vlog Watch

CHARLIE DIZON is one of Kapamilya Network’s fast rising star. Matagal-tagal na sa showbiz ang dalaga at supposedly ay magde-debut dapat siya sa isang K-pop girl group sa South Korea nang magdesisyon itong umuwi na lang. Napansin ng mga moviegoers si Charlie nang magbida ito sa award-winning 2020 Metro Manila Film Festival entry na ‘FanGirl’ kung saan kapares niya si Paulo Avelino.

Last year ay ipinagkatiwala kay Charlie ang pagbida sa primetime drama series na ‘Viral Scandal’. Habang naghihintay pa tayo sa next TV and movie project ng aktres ay ang kanyang sariling vlog channel muna ang kinakarir niya.

Isa sa mga nausong paandar sa YouTube ay ang ‘Letting My Followers Control What I Do in a Day’ challenge. Tinanong ni Charlie ang kanyang mga fans kung ano ang gusto nilang ipagawa sa kanya at narito ang output!

Previous articleSO HOT! Gerald Anderson at Ivana Alawi, tinodo ang lampungan sa ‘A Family Affair’
Next articleAlexa Miro at Sandro Marcos, 5 years nang magkakilala