VLOG WATCH: Cassy Legaspi does a ‘Birthday’ and ‘Cold Blooded’ dance cover (with a twist!)

Vlog Watch

TO CELEBRATE her 21st birthday, isang bonggang dance cover ang inihanda ng Kapuso actress na si Cassy Legaspi para sa kanyang mga tagahanga.

Dalagang-dalaga na talaga ang unica hija nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel at very much confident na ito sa pagpapakita ng kanyang talento sa pagsayaw. Sa kanyang bagong KPop dance cover ay ipinamalas niya ang kanyang bersyon ng mga hit songs na ‘Birthday’ ni Jeon Somi at ‘Cold Blooded’ ni Jessi. Talagang ginalingan ang production na idinirek ng kanyang First Yaya kuya na si Thou Reyes, huh! So fabulous!

Sa umpisa ay girly pink dress ang kanyang outfit at bigla ay nag-transform into a bad girl of the dance floor with her all-black outfit. Winnur!

But wait… she’s not completely alone in this dance cover video, huh! Sumali rin ang kanyang twin brother na si Mavy! Sino ba ang mas magaling sumayaw sa kambal? Watch and learn!

Previous articleThings You Didn’t Know About Paul Salas
Next articlePaul Salas at Klea Pineda tampok sa ‘Regal Studio Presents: Monaylisa and Me’