VLOG WATCH: Carla Abellana’s last lock-in taping vlogs for ‘To Have and to Hold’

Vlog Watch

NAGPATIKIM NA sa wakas ang GMA Network ng character teaser para sa upcoming primetime show na ‘To Have and to Hold‘. Ito ang seryeng inaabangan na ng mga Kapuso dahil na rin sa fresh love triangle sa pagitan nina Max Collins, Rocco Nacino at Carla Abellana.

Alam naman ng lahat na ikakasal na next month si Carla Abellana kay Tom Rodriguez. Bago pa ma-achieve ang ‘happily ever after’ in real-life ng TomCar ay tinapos na muna ni Carla ang kanyang commitment as one of Kapuso Network’s prime teleserye queens.

 

Bago pa ipapalabas sa September 27 ang ‘To Have and To Hold’ ay natapos na niya lahat ng lock-in taping cycles para sa show. Curious ka na ba? Panoorin ang mga work vlogs ni Carla dahil siguradong magiging top-rater na naman ang kanyang pagbibidahang proyekto!