VLOG WATCH: Carla Abellana does her ‘Adelle’ makeup for ‘Love of my Life’

Vlog Watch

MAGTATAPOS NA bukas ang family drama series ng GMA-7 na ‘Love of my Life‘. Isa ito sa mga programang naantala ng ilang buwan dahil naabutan ng Enhanced Community Quarantine o ECQ noong nakaraan taon. Buti na lang at nakabalik sa set lahat ng cast and crew para sa lock-in taping para tapusin na ng mabilisan ang proyekto.

Si Carla Abellana ang isa sa mga bida ng Love of my Life. She plays the role of Adelle, isang single mom na na nakahanap ng second shot at love nang makilala si Stefano (Tom Rodriguez) na may anak din kay Kelley (Rhian Ramos) at may kapatid na misunderstood named Nikolai (Mikael Daez). Unfortunately, namatay si Stefano dahil sa cancer at doon huminto ang kuwento bago nagka-pandemic.

 

Sa pagbabalik-taping ni Carla ay kinailangan na niya ikabisado ang look ng kanyang karakter na si Adelle. Ano nga ba ang proseso ni Carla sa pag-aayos to be Adelle? Panoorin ang nakakaaliw na video na ito na perfect sa mga mahilig mag-makeup!