VLOG WATCH: Buhay Amerika nina Rufa Mae Quinto, LJ Moreno at Jinky Oda!

Vlog Watch

MARAMI-RAMI na ang mga artistang pansamantalang nag-migrate sa ibang bansa. Ang iba ay matagal na talaga nilang plano na magbagong-buhay sa ibang bansa, habang ang iba naman ay mas naisipan na doon na muna mamalagi habang wala pang kasiguraduhan ang buhay showbiz sa bansa dahil na rin sa Covid-19.

Last year ay nag-migrate na sa Amerika ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto dahil na rin sa kanyang bagong papel bilang isang asawa at ina. Kahit na matagal na rin hindi masyadong aktibo sa showbiz si LJ Moreno, ang asawa niyang si Jimmy Alapag ay nag-retiro na rin sa pagbabasketball at ngayo’y nag-uumpisa muli ng bagong yugto sa buhay ng kanilang growing family.

 

Alam niyo ba na nasa Amerika na rin pala nakabase in the past four years ang komedyante na si Jinky ‘Bale’ Oda? Ang lovable Bale from Okey Ka, Fairy Ko ay huling napanood ng mga dabarkads sa Saturday sitcom noon ni Bossing Vic Sotto na ‘Vampire Ang Daddy Ko’. Sa bagong vlog channel nina Rufa Mae at LJ na The Wander Mammas ay kinamusta nila ang dating kasamahan sa showbiz at naglakad-lakad na rin sa San Francisco! Indeed, there’s life after showbiz!

Previous articleThings You Didn’t Know About Sunshine Dizon
Next article‘Silab’ nina Cloe Barretto, Marco Gomez at Jason Abalos ipapalabas sa Vivamax