VLOG WATCH: BTS ng Underwear Endorsement Shoot ni Jak Roberto! (Bida-Bida Sibs Power!)

Vlog Watch

KINILALA ng madla si Jak Roberto bilang ‘Pambansang Abs‘. Kapansin-pansin naman na lately ay hindi natin nasisilip ang kanyang pinaghirapan. Relate ba kayo?

No need to fret dahil ngayon ay may blessing na natanggap si Jak Roberto at ang kanyang younger sis na si Sanya Lopez. Sa wakas ay nakuha na ang ‘bida-bida siblings’ bilang endorsers ng bagong underwear line! Hurray!

S’yempre, dahil may pa-underwear, may pasilip din ng abs si Kuya Jak – and more!

Nakakabilib ang pag-aalaga ni Jak Roberto sa kanyang katawan, kaya naman deserve lang naman na masilip ito ng buong mundo, ‘divah?! Ano nga ba ang preprarations bago sumabak sa isang sexy endorsement pictorial? Tara na’t silipin natin habang wala ang kanyang iniirog na si Barbie! Hihihi!

Sa Lunes pala ay mapapanood na ang unang tambalan nila ni Klea Pineda na ‘Stories From The Heart: Never Say Goodbye’. Bago niya tayo paiyakin ay papainitin niya muna tayo! Char!