VLOG WATCH: BTS / BT21 / TinyTAN Haul by Arci Muñoz (sana all!)

Vlog Watch

ARMY GOALS na matatawag ang Kapamilya star na si Arci Muñoz. Kung before the pandemic ay kinarir nito ang panonood ng concerts ng BTS mula South Korea hanggang Amerika, ngayon naman ay halos araw-araw na yata ito may deliveries ng BTS-related merch sa kanyang bahay!

Isa sa mga most requested vlogs ni Mona (totoong palayaw ni Arci) ay ang BTS haul niya. Sa video na ito ay makikita ninyo ang mga giant Baby BT21 plushies na inspired sa mga characters na nilikha ng BTS. Ipinakita rin niya ang mga BTS endorsed goodies tulad ng vitamins, softdrink at tubig (yes, may BTS BE WATER!).

Pati ang limited edition TinyTAN Winter Plushies ay hindi rin nakaligtas kay Arci. Sabi nga niya sa recent guesting niya sa Magandang Buhay, halos lahat ng suweldo niya ay napupunta sa BTS. Budol pa more!

 

Kunsabagay, kahit kami nga ay certified ARMY. Nakakaaliw talaga mangolekta ng mga quality products mula sa paborito mong banda. Tsaka hello, kung sarili mong pera naman ang ipambibili mo, why not splurge on what makes you happy, ‘diba?!