VLOG WATCH: Boracay Station Zero Experience with Solenn Heussaff and Family!

Vlog Watch

HOT MOMMA na maituturing ang sexy Kapuso actress/model/artist na si Solenn Heussaff. Mahigit isang buwan pagkatapos nito manganak sa kanyang panganay na si Thylane, talagang ready and confident na ulit si SOS na irampa ang kanyang pinag-hirapang post-pregancy sexy body! Pak na pak!

Matagal na rin hindi nakakapaglakwatsa si Solenn at asawang si Nico dahil na rin sa kanilang Baby Girl at s’yempre, dahil sa Covid-19. Ngayon na unti-unti nang nagiging maluwag sa travel restrictions ang Boracay sa mga turista, nakapunta sina Solenn, Nico, Thylane at ang pamilya ng bestie niya na si Georgina Wilson (na ngayo’y pregnant with her second child) sa Station Zero ng Boracay at nagkaroon ng short but meaningful beach getaway. Base sa video, mukhang back on track na sa kakulitan at pagiging kenkoy si Solenn na todo ang pagrampa ng kanyang hot momma body at pakikipagharutan sa kanyang asawa. Mas espesyal ito dahil kahit ang kanilang unica hija ay enjoy na enjoy!

Kung sabik kayo sa ‘vitamin sea’, panoorin muna ang video ng Bolzico Family. Gusto ko tuloy mag-Boracay din!