VLOG WATCH: BISAYA 101 Challenge nina Kim Chiu at Melai Cantiveros!

Vlog Watch

HINDI maikakaila ang impact nina Kim Chiu at Melai Cantiveros. Maliban sa parehong itinanghal na Big Winner ng kani-kanilang batch sa Pinoy Big Brother, napatunayan na rin ang longevity nila bilang artista sa mundo ng showbiz.

Nang gawin ni Kim Chiu ang Bisaya 101 Challenge with Maymay Entrata and Lie, marami ang nag-request na sana ay ang next guest na niya ay si Momshie Melai. Guess what? Ibinigay na rin ng Chinita Princess ang kahilingan niyo!

With Melai and Kim together, sure na talagang laugh trip ang kalalabasan nito. Highly requested and anticipated ang Bisaya 101 Challenge na ito, kung saan nagtranslate sila ng iba’t ibang movie lines. Kailangan mo ba ng pampahappy? Watch mo na!