VLOG WATCH: Pictorial at Home ng Bida-Bida Siblings Jak Roberto at Sanya Lopez!

Vlog Watch

BIDA-BIDA siblings strikes again! It’s been a while since napanood natin ang kuwelang magkapatid ng Kapuso Network na sina Jak Roberto at Sanya Lopez. For a change, hindi na prank video ang highlight ng vlog ni Kuya with his Little Sis but something productive!

Nakalipat na si Sanya Lopez sa kanyang mala-mansyong bahay na resulta ng kanyang hardwork sa pagiging isa sa competent actresses ng GMA-7. S’yempre, nar’yan ang kanyang ever-reliable Kuya Jak to support her. Ngayon na kailangan ng kanyang little sister ng bagog photos para sa folio ng GMA Artists Center, si Kuya Jak na ang nag-step up para tulungan ang kanyang kapatid. Sakto rin na nahihilig ngayon ang binata sa photography maliban sa kanyang vlogging hobby. Okay ‘yan dahil lumalawak ang kanyang puwedeng gawin!

Panoorin ang kuwelang behind-the-scenes ng pictorial ni Sexy Sanya with her hunky kuya behind the lens. In fairness, kahit bida-bida na naman ang dalawa sa isa’t isa, maganda ang kinalabasan ng mga photos! Pictorial at home ba bet mo? Nood na!