VLOG WATCH: Bea Alonzo’s Perfume Collection and Scent Association

Vlog Watch

KAHIT hindi mo pa nakikita o namimeet in person ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo, tingin pa lang ay obyus na napakabango niya.

Well, mabango talaga si Madam Bea! Sa katunayan, ang bongga ng kanyang Perfume Collection! Kung ang ilang celebrities ay naloloka sa shoes, bags, clothes or figurines, si Bea naman ay addicted sa mga pabango – from regular to luxurious to hard-to-find scents, meron si Bea n’yan!

On a rare chance ay ipinasilip ng aktres ang kanyang still growing Perfume Collection at may mga interesting behind each scent – from where she bought them to who gave some and so on! Interesting video ito para sa mga mahilig din mangolekta ng perfumes o mga nangangailangan ng ideya kung ano magandang bagong bilhin.

Dito ay ipinakita rin ng Fil-British beauty ang sariling perfume line na inilabas niya with Kashieca na ‘Beautiful Mind’ and ‘Beautiful Body’ by Bea Alonzo. Swak na swak pa ito sa budget!

Sa video na ito ay ni-rank din ni Bea ang kanyang Top 5 Favorite Perfumes. Alin kaya ang mga pumasok? Swak din ba sa taste mo?