VLOG WATCH: Bea Alonzo reacts to old photos and videos (cringe!) at pamaskong laptop sa mga bata

ADVERTISING
Vlog Watch

BEA ALONZO is one of the prime leading ladies in the Philippines. Miss na miss na siya ng kanyang mga tagahanga kaya naman marami ang natuwa nang mapansin nila na nagiging regular na ang video uploads nito sa kanyang YouTube channel. In a way ay mas
nakikilala natin ang dalaga hindi bilang isang aktres, pero bilang isang tao.

Katulad ng mga normal na tao ay may mga ‘cringeworthy’ moments din ito lalo na kung tinitingnan ang ilan sa kanyang childhood pictures and early showbiz TV appearances. Ano kaya ang reaksyon ni Bea kapag mapanood niya ulit ang unang encounter nila ni John Lloyd Cruz sa kanyang breakthrough teleserye na ‘Kay Tagal Kang Hinintay’? Paano nasabi ni Bea na hindi na ito gagawa ng kahit na anong dance prod number sa ASAP ever?

ADVERTISING

Dahil nasa bahay lang most of the time ngayong nasa kalagitnaan tayo ng isang health pandemic, ang panonood din sa Netflix ang inatupag ni Bea. Ang Netflix animated
film na ‘Over the Moon‘ ang paborito ngayon ni Bea dahil through the film ay na-realize niya na kailangan din niya i-pursue ang iba pang passion niya sa buhay.

Maliban sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, isang magandang kinabukasan naman ang naghihintay sa mga beneficiaries ng laptops sa Kids of SOS. Wish ni Bea na sana, sa pamamagitan ng mga laptops na donation nila ng I AM Hope Foundation ay matupad ang mga pangarap ng mga bata sa pamamagitan ng Edukasyon.

ADVERTISING
ADVERTISING