VLOG WATCH: Bea Alonzo at Angel Locsin, naglaro ng ‘Never Have I Ever’ (may pasabog, love!)

Vlog Watch

MAGKAPATID onscreen, matalik na magkaibigan offscreen. Ganyan ang nabuong relasyon sa pagitan ng Kapamilya superstars na sina Bea Alonzo at Angel Locsin. Simula nang gawin nila ang iconic family film na ‘Four Sisters Before the Wedding‘ with Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Enchong Dee, tila naging pamilya na rin ang turing nila sa isa’t isa.

Suprise guest ni Bea Alonzo sa kanyang weekly vlog ang ‘Alex’ ni ‘Bobbie na si Angel Locsin. Matagal na rin natin sila hindi nakikita na magkasama sa iisang video kaya naman marami ang natuwa sa sorpresang ito na halos 1 Million na ang views nito. Werpa!

Matagal na rin uso sa YouTube ang ‘Never Have I Ever‘ tag, pero may mga juicy revelations ang dalawa. Alam naman natin na compared sa ibang artista, maituturing na ‘private’ people sina Angel at Bea pagdating sa kanilang personal na buhay.

Dito ay may mga inamin sila tulad ng mga kalokohan nila noon sa school, mga desisyon sa kanilang showbiz careers and yes, usaping love! Interesado ka na ba? Watch mo na!