VLOG WATCH: Bea Alonzo and Dominic Roque does the Not My Hands Challenge!

Vlog Watch

LITTLE BY LITTLE ay fini-flex na ni Bea Alonzo ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque sa kanyang YouTube channel. Starting with their epic USA roadtrip, ngayon ay isang pambahay na video naman sila nagkasama.

First time namin ma-encounter ang ‘Not My Hands‘ challenge. Want to see BeaDom closer than close?

Ang ‘Not My Hands’ Challenge ay simple lamang, pero umaapaw ang kilig at satisfaction sa mga mata at tawa ni Bea. She is truly happy with her newfound boyfie at wish lang namin na sana ay si Dominic Roque na nga ang lalaki para sa kanya. She deserves to be happy!

Habang waiting pa tayo sa magiging projects ni Bea Alonzo bilang isang ganap na Kapuso, sundan muna natin ang kanyang personal adventures thru her vlog channel! Yummeh!