VLOG WATCH: Barbie Forteza reacts to Jak Roberto’s kissing scenes (pinagselosan si Lauren Young?!)

Vlog Watch

HABANG tumatagal ay lalong tumatatag ang pag-iibigan ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Kahit alam ng publiko na sila talaga ang ‘real deal’, ipinapakita pa rin nila ang kanilang professionalism kapag sila ay itinatambal sa iba.

Sina Jak at Barbie rin ang dalawa sa mga promising stars ng bagong henerasyon na walang kiyeme pagdating sa kissing scenes. Sa katunayan, si Jak Roberto nga ‘yata ang isa sa mabentang leading man ng Kapuso network kung romansahan din lang ang pag-uusapan.

Sa bagong vlog ni Jak ay muli nitong inimbitahan ang kanyang real-life leading lady. The challenge? Mag-react sa past kissing scenes nito sa telebisyon!

Ilan sa mga labing natikman na ni Jak ay ang kina Glaiza de Castro, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, Klea Pineda at Lauren Young. Sa lahat ng nabanggit ay tila sa huli yata pinakagigil si Barbie. Hmmm… bakit kaya? Tara na’t panoorin natin!

Previous articleThings You Didn’t Know About Marco Gumabao
Next articleMarco Gumabao nag-scrub at 3 beses naligo bago ang tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta