VLOG WATCH: Barbie Forteza, nagbigay ng relationship advice sa fans

Vlog Watch

HINDI LANG pala basta Kapuso Primetime Princess ang magaling na aktres na si Barbie Forteza. Reliable din itong advice guru pagdating sa iba’t ibang bagay!

Sa kanyang growing vlog channel ay nagdagdag ng segment ito ng segment na ‘Deal with Barbie’, kung saan siya’y magbibigay ng kanyang payo sa mga fans, na tingin namin ay sweet treat nito sa kanyang mga tagahanga!

Sa first episode ng kanyang bagong vlog series ay tungkol sa relationships ang una nitong tema. Apparently, sa totoong buhay pala ay laging takbuhan si Barbie ng mga kaibigan na nangangailangan ng relationship advice – whether that’s about romantic, family or friendship advice. Pati rin kaya relationship advice? Charot!

Anytime soon ay mapapanood na muli ang fresh episodes ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ na pinagbibidahan nila ni Kate Valdez with Snooky Serna and Dina Donnevie. Surely, miss na ng kanyang fans si Barbie!