VLOG WATCH: Jackie ‘Ate Girl’ Gonzaga, nag-ala Ariana Grande sa Dance Class

ADVERTISING
Vlog Watch

MISS MO NA bang umattend ng mga dance classes? Or nangangarap ka bang maka-attend ng dance or zumba classes? The good news is paunti-unti nang nagbubukas ang mga gyms, yoga and dance studios with strict protocols.

Isa sa mga atat na umattend ng dance classes ay ang It’s Showtime mainstay na si Jackie ‘Ate Girl’ Gonzaga, na sumikat nang mai-loveteam kay Vice Ganda at ngayo’y may following na rin sa kanyang mga social media accounts. Dahil natural dancer, natural din na hinahanap-hanap ng kanyang katawan ang pagsayaw lalo na kung may mga bagong awiting lumalabas.

ADVERTISING

Under the new normal ay sumabak na si Ate Girl sa isang one-on-one dance class. Ang bagong kanta ng American pop singer na si Ariana Grande na ‘Positions’ ang inaral ni Jackie at pak na pak naman talaga sa lupet!

Panoorin ang dance cover ni Ate Girl ng ‘Positions’ ni Ate Ariana Grande:

ADVERTISING

Kinaya ba ni Ate Girl? Hiningal ka ghorl?! Baka mainspire ka na rin gumalaw-galaw at gumiling ala-Ariana Grande after watching this video! Try mo rin umexercise at huwag puro cellphone, tablet o laptop ang inaatupag! Hek-hek-hek!

ADVERTISING