VLOG WATCH: Arci Munoz, inalay ang ‘Jimin Park’ para kay Jimin ng BTS

ADVERTISING
Vlog Watch

IBANG level na talaga ang pagmamahal ni Arci Munoz sa BTS member na si JIMIN o Park Jimin sa totoong buhay.

Katulad ng ibang ARMY (tawag sa fan group ng BTS), nag-celebrate din si Arci ng 25th birthday ng KPop superstar sa pamamagitan ng paghanda ng Chimmy-inspired cake, pakikipag-interact sa kapwa BTS fans at pag-isip ng magandang tribute project para sa iniidolo.

ADVERTISING

Kung follower kayo ni Arci sa YouTube, maaalala ninyo na noong birthday niya last January ay nagsagawa ito ng isang three planting event. Pinangalan niya ang ilang halaman/puno based on the BT21 characters of BTS. Ito ay tinanim niya sa sariling lupain somewhere near Metro Manila.

Kahit na busy si Arci Munoz sa taping ng ongoing series nila na ‘Walang Hanggang Paalam’, nakagawa ito ng paraan para makanood ng Map of the Soul ON:E Online Concert ng BTS. Kahit nga mismo ang co-star na si Angelica Panganiban ay sinuportahan ang pagfa-fangirl ng kaibigan. Sa mismong birthday ni Jimin ay pumuslit si Arci at dumalaw sa kanyang lupain para balikan ang mga halaman/puno na kanyang tinanim noong Enero. Lumaki na sila!

Bilang tribute sa kanyang bias sa BTS, pormal nang inialay ni Arci ang isang parte ng kanyang lote kay Jimin at ipinangalan itong ‘Jimin Park’. A Jimin Park for Park Jimin. How cool is that?

ADVERTISING

Panoorin ang birthday tribute with a cause ni Arci na kung ikaw mismo ay fan ni Jimin ay talagang matutuwa at maiinspire ka sa kanya. At grabe ha, ang ganda-ganda mo naman, Ramona!

ADVERTISING